KAILANGANG magpabakuna kapag nagkasakit ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, ito’y dahil sa ganitong paraan ay nagkakaroon ang tao ng malakas na panlaban sa sakit sa kanyang sistema.
Kapag nabakunahan aniya ang isang tao matapos magka-COVID ay nagkakaroon ito ng antibodies habang natatamo rin nito ang tinatawag na ‘hybrid immunity’.
Sinabi pa ni Solante na puwedeng magpabakuna pagkatapos ng isolation period, mapa-primary series man o booster shot.