465 mga inilakas na Overseas Filipino Workers (OFW) ang kasalukuyang naka-quarantine sa mga pasilidad ng pamahalaan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, kabilang ang mga ito sa mahigit 30,000 mga OFW’s na kanila nang naisailalim sa polyremase chain reaction (PCR) test.
Sa nabanggit na bilang aniya, mahigit 7,000 ang hinihintay pa ang resulta.
Sinabi pa ni Galvez, mahigit 27,000 mga OFW’s pa ang kasalukuyang nasa Metro Manila para sumailalim sa 14 na araw na mandatory quarantine.
Habang may inaasahan pang humigit kumulang 42,000 pang mga OFW’s na babalik sa bansa ngayong Mayo hanggang Hunyo.
Dahil dito, nababahala si Galvez sa posibilidad na mapuno ang mga hotel na ginagamit bilang isolation facilities ng pamahalaan para sa mga balik-bansang OFW’s.