Puspusan ang ginagawang hakbang ng Philippine National Police (PNP) para tugunan ang dumaraming bilang ng mga nagkakasakit sa kanilang hanay dahil sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos sa gitna na rin ng pagkapuno ng kanilang mga quarantine facilities sa Kampo Crame.
Gayunman, sinabi ni Carlos na karamihan sa mga positibo sa kanila ay pawang asymptomatic kaya’t pinapayagan na lang silang mag-home quarantine ng 5 hanggang 7 araw.
Pagkatapos nito ay muli silang isasailalim sa COVID-19 RT PCR test ang mga nagkasakit at kumpletuhin ang kanilang quarantine period bago bumalik sa trabaho.
Samantala, inihayag din ni Carlos na balik trabaho na siya matapos makumpleto ang kaniyang mandatory quarantine mula nang magpositibo siya sa virus.