Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Health Service, pumalo na sa 7,707 ang kabuuang recoveries ng PNP sa COVID 19 habang nasa 370 naman ang total active cases nito.
Gayunman, umakyat na sa 8,103 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng virus matapos magtala ito ng 28 bagong kaso.
Anim ang naitala sa National Operstions Support Unit, tig 3 sa Central Luzon, CALABARZON, Cordillera at Bangsamoro Autonomous Region.
Dalawa naman ang naitala sa NCRPO habang tig -isa ang naitala sa Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA, Davao Region at Caraga.
Sa kabila ng mga nadagdag na kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, nananatili naman sa 26 ang kanilang death toll. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)