Labing walong (18) bagong kaso ng B.1.1.7 o UK variant ng coronavirus ang naitala ng Department of Health.
Dahil dito ipinabatid ng DOH na umaabot na sa 62 ang kaso ng UK variant sa bansa at ito ay mula sa 757 samples na sumailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center.
Sa bagong nakumpirmang UK variant cases 13 ay Overseas Filipino Workers na dumating sa bansa nuong Enero 3 hanggang Enero 27, 2021.
Ipinabatid pa ng DOH na ang tatlong bagong kaso naman ng UK variant ay mula sa Cordillera Administrative Region kung saan ang dalawa ay lalaki na labing dalawang taong gulang at konektado sa cluster mula sa Samoki, Bontoc, Mountain Province at ang isa ay apat naput isang taong gulang na babae mua sa la Trinidad, Benguet cluster.
Ang mga nasabing kaso ay naka-recover na samantalang inaalam pa ng DOH kung ang dalawa pa ay local cases o OFW.
Kasabay nito mayruong naitalang panibagong tatlong mutation ng COVID-19 at nagmula sa Region 7 o Central Visayas dahilan para pumalo na sa 37 ang mutation.