Tinuluyan nang kasuhan ng Quezon City Police ang 21 residente ng Sitio San Roque na nag protesta sa Edsa sa panahon ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Quezon City Police Department (QCPD) chief of police, Brigadier General Ronnie Montejo, 5 babae at 16 na lalake ang kinasuhan nila ng paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act, paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at Resistance and Disobidience to a Person in Authority.
Sa ngayon anya ay nakadetini pa rin sa QCPD Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal ang mga suspeks.
Ang 21 kinasuhan ay kabilang sa mga residente ng Sitio San Roque na lumabas ng Edsa upang umapela ng tulong na pagkain at iba pa mula sa pamahalaan.