Lumobo ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker na nagrereklamo kaugnay ng umano’y labis na singil ng mga employment agencies sa Hong Kong.
Ayon kay Vice Consul Fatima Quintin, Head ng Assistance to Nationals Section, pumapalo sa 3 hanggang 5 reklamo ang natatanggap nila bawat araw.
Aniya, hindi lang ito mula sa mga bagong OFW kundi kasama na rin ang mga matagal nang nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Quintin na tinutugunan nila at ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang lahat ng mga reklamo.
Sa kabilang banda, niniwala naman si Quintin na ang pagdami ng mga nagrereklamo ay patunay na aware o alam ng mga Pilipinong domestic helper ang kanilang mga karapatan.
By: Jelbert Perdez | Allan Francisco