Bumalik na sa kanilang mga bahay ang ilang nagsilikas na residente matapos magbuga ng usok at abo ang Bulkang Kanlaon.
Ipinabatid ito ni Jay Jamello, Resident Volcanologist ng Kanlaon Observatory matapos wala nang ma-monitor na significant event maliban sa mahinang pagyanig.
Samantala, tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang patuloy na pag-monitor sa Bulkang Kanlaon dahil malaki anito ang posibilidad na masunduan pa ang minor eruption.
Ayon kay Antonio Bornas, pinuno ng Volcanology Seismology Disaster Mitigation ng PHIVOLCS Central Office, wala pa silang nakikitang senyales para sa magmatic eruption ng Bulkang Kanlaon.
By Judith Larino