Aabot na sa 9,000 residente ang nagsilikas makaraang muling sumabog ang Taal volcano sa Batangas.
Kabilang sa mga lumikas ang nasa 1,000 residente sa mga high-risk barangay ng Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo at mahigit walong libo sa Boso-Boso, Gulod at Bugaan East sa bayan ng Laurel.
Ayon sa PHIVOLCS, maaaring na-expose ang mga residente sa posibleng “pyroclastic density currents” o mga natuyo at tumigas na lava pieces, volcanic ash at hot gases sakaling magkaroon ng mas malakas na pagsabog.
Umapela naman si Agoncillo Mayor Daniel Reyes ng karagdagang tulong sa national government, kagaya ng food packs.