Tinatayang aabot na sa Isang Milyon ang nagsipagdagsaan sa mga sementeryo ngayong araw ng Undas.
Ito’y sa kabila na rin ng mga naranasang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dulot ng Inter-Tropical Convergence Zone.
Inaasahan naman ng mga awtoridad na darami pa ang tutulak sa mga sementeryo habang papalapit na ang gabi.
Muli namang pinaalalahanan ang publiko na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan tulad ng patalim, sound system, pintura, lighter, posporo maging ang sigarilyo.
By: Jaymark Dagala