Naniniwala ang grupong Gabriela na dapat maging consistent ang pagkilala ng batas ng Pilipinas sa relihiyon at sa kasal.
Ito‘y makaraang pumayag ang Korte Suprema na sumailalim sa diborsyo ang lalaking Muslim at babaeng Kristiyano sa ilalim ng Islam rites.
Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Liza Masa, dapat maging pantay ang turing ng batas sa mga hindi muslim at mabigyan sila ng kalayaan na makipag-diborsyo batay sa kanilang paniniwala.
Nakasaad sa code of muslim personal laws, pinapayagan ang diborsyo sa mag-asawa depende sa kanilang sitwasyon
Una, ang hindi mapagkasunduang pagkakaiba ng pananampalataya, pagtataksil, pang-aabuso, sakit at kung nahatulan dahil sa kasong criminal.
Magugunitang isinulong ni Masa ang pagsasabatas ng diborsyo sa kongreso nuong taong 2005.
By: Jaymark Dagala