Tuloy – tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga nagtutungo sa Eternal Gardens sa Baesa, Caloocan para bisitahin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Nananatili ding maayos ang daloy ng trapiko sa service road ng north Luzon Expressway o NLEX patungong Eternal Gardens.
Gayundin sa Leland Drive at Baesa Road na patungo at palabas ng Eternal Gardens.
Kasabay nito, tiniyak din ni Romy Sta. Cruz, ang branch manager ng Eternal Gardens Baesa, na walang dapat ikabahala ang mga magtutungo sa nasabing libingan na walang bitbit na mga pagkain dahil may kumpletong food chain sa loob nito.
Pinaalalalahanan din ni Sta. Cruz ang mga magtutungo sa Eternal Gardens na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay tulad ng baraha, alak, bladed weapon at iba pa para hindi maantala ang kanilang pagpasok.
Samantala, dagsa na din ang mga nagtutungo sa iba pang libingan sa Valenzuela tulad ng Caruhatan at Arkong Bato Cemetery, gayundin ang mga pampublikong sementeryo sa Malabon at Navotas.