Inilabas na ang mga nagwagi sa Baeksang Arts Awards 2022 na naganap noong Biyernes sa South Korea.
Itinanghal na best actress si Kim Tae Ri dahil sa kaniyang pagganap bilang fencer sa twenty-five, twenty-one.
Nanalo namang best actor sa TV category si Lee Junho para sa kanyang pagganap bilang King Jeongjo sa the red sleeve.
Bukod sa acting awards, nanalo rin ang dalawa ng tiktok popularity award.
Sa movie category, nagkamit ng grand prize ang direktor na si Ryoo Seung wan para sa escape from Mogadishu, na itinanghal ding best picture.
Ang nagwaging best actor ay si Sol Kyung Gu para sa pelikulang kingmaker, at best actress si Lee Hye Young para sa kanyang pagganap sa in your face.
Naging host sa award ceremony sina Bae Suzy, Shin Dong Yup, at ang kaka-discharge lang sa military na si Park Bo Gum.