Inanunsyo ng Miss Universe Philippines (MUPH) Organization ang pangalan ng mga kandidatang nanguna sa interview challenge nito.
Pasok sa Top 4 sina Julia Saubier ng Albay, Jeanne Nicci Orcena ng Davao Del Norte, Aidyl Mhay Sanchez ng Guiguinto, Bulacan, at Vanessa Ann Caro ng Iloilo Province.
Una rito, ay inanunsyo ng MUPH ang mga nagwagi sa iba pang mga challenge kung saan nanalo sa headshot challenge si Isabel Luche ng Mandaue City at nanguna naman sa introduction challenge si Pauline Amelincx ng Bohol.
Wagi naman si Ma. Katrina Llegado ng Taguig sa swimsuit challenge habang nasungkit naman ni Ghenesis Latugat ng Baguio City ang fashion at runway challenge.