Tinatayang 600 toneladang campaign materials na ang nahakot ng MMDA, 11 araw matapos ang eleksyon.
Ayon kay DILG Spokesman, Undersecretary Jonathan Malaya, nagsanib-pwersa na sa “Operation Baklas” ang mga tauhan ng MMDA, PNP at mga local government unit.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng DILG ang report hinggil sa pagtatanggal ng mga campaign material sa mga lalawigan.
Halos lahat anya ng mga lokal na pamahalaan ay nagsasagawa ng Oplan Baklas matapos ang ibinigay na palugit ng ahensya upang mahakot ang lahat ng mga campaign paraphernalia.
Ang mga mabibigong tapusin ang pagbabaklas sa loob ng isang linggo ay pagpapaliwanagin ng DILG.
Samantala, pinayuhan naman ni Malaya ang COMELEC na hikayatin ang mga kumandidato na alisin ang kani-kanilang campaign materials ngayong tapos na ang halalan.