Pumalo na sa halos 5,000 ang nahuhuli sa pamamagitan ng no contact apprehension policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, karamihan sa mga lumalabag sa batas trapiko ay ang mga pampublikong sasakyan gaya ng jeep at bus.
Nito lamang kalagitnaan ng Abril nang muling buhayin ang no contact apprehension para sa mga dumadaan sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.
Online database
Ilulunsad ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang isang online database para sa mga nahuling traffic violator sa ilalim ng “no contact apprehension policy”.
Ang database na tatawaging “na-huli cam ka ba?” ay naglalayong ma-tsek ng mga motorista sa online kung sila ay mayroong paglabag sa batas trapiko.
Makikita sa nasabing database ang plate number ng sasakyan, lugar, petsa at oras kung kailan nangyari ang traffic violation at kung ano ang ginawang aksyon dito ng MMDA.
By Rianne Briones