Pumalo na sa higit 19,000 na mga indibidwal ang nasawata ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa umiiral na curfew hours sa Metro Manila bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
Sa datos na hawak ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni PNP OIC PLt. Gen Guillermo Eleazar na umabot na ang kabuuang bilang ng mga curfew violators sa rehiyon sa bilang na 19,628.
Sa naturang bilang, 6,048 ang mga ito ay pinagsabihan lang ng mga awtoridad hinggil sa kanilang paglabag sa umiiral na curfew, habang ang 7,326 ang pinagmulta, at iba pa.
Mababatid na higit 19,000 mga curfew violators, 5,865 sa mga ito ay naitala ng Manila Police District; higit 4,000 sa Southern police district; 3,614 sa Eastern police district; habang ang mga nalalabi ay nahuli naman ng iba pang sangay ng pulisya sa Metro Manila.