Aabot na sa halos 2 libo o katumbas ng 1, 948 ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag ng Philippine National Police o PNP sa pinaiiral na COMELEC gun ban.
Batay ito sa datos ng PNP Command Center buhat nang magsimula ang panahon ng eleksyon nuong Enero a-9 kung saan ay nakapagtala na sila ng may 1,840 mga operasyon.
Mula sa nabanggit na bilang ay nasa 1,866 dito ay mga sibilyan, 36 ang mga Security Guard, 17 ang mga tauhan ng PNP, 9 ang mga Sundalo at may 20 iba pa.
Aabot naman sa 1,502 ang mga nakumpiskang mga armas, 709 ang mga nakumpiskang deadly weapon kabilang na ang may 80 pampasabog habang may 8,326 na mga bala.
Pinakamaraming naaresto sa NCR na may 661, Central Visayas na may 212, CALABARZON na may 206, Central Luzon na may 127 at Western Visayas na may 110. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)