Pumalo na sa 1,853 ang kabuuang bilang ng mga nahuhuli ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na COMELEC gun ban.
Batay sa datos ng PNP Command Center, nasa 1,785 dito ay mga sibilyan, 27 ang mga security guard, 15 ang PNP personnel, 9 ang Sundalo at may 17 iba pa.
Nakumpiska sa mga ito ang may 1,428 na mga armas, 678 na mga deadly weapons kabilang na ang mga bomba o pampasabog at mahigit 7,800 na mga bala.
Karamihan sa mga nahuli ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 672, CALABARZON na may 206, Central Visayas na may 200, Central Luzon na may 177 habang 97 naman sa Western Visayas.
Ang naturang bilang ng mga nahuli ng PNP ay buhat naman sa may 1,746 na ikinasang operasyon sapul nang magsimula ang panahon ng halalan nuong Enero 9. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)