Pumalo na sa 243 mga gumagamit ng vape at e-cigarettes sa mga pampublikong lugar ang naaresto ng Philippine National Police (PNP).
Kasunod ito ng mga ikinasang operasyon ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa buong bansa alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. General Bernard Banac, pinakamarami sa mga naaresto ay mula sa Central Visayas na umaabot sa halos 200 indibiduwal.
Habang mahigit 300 pirasong vape gadget at mahigit 600 mga vape juices ang nakumpiska sa kanilang mga operasyon.
Muli namang nilinaw ni Banac na walang ikinukulong na mga vape users bagkus ay ipinapa-blotter lamang ang insidente.