Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa COMELEC gun ban ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Command Center, aabot na sa 2,220 ang kabuuang bilang ng mga nahuhuling lumalabag buhat nang magsimula ang panahon ng Halalan nuong Enero 9.
Mula sa 2,125 na ikinasang operasyon ay aabot sa 2,138 rito ay mga sibilyan, 39 ang mga Security Guard, 14 ang mga tauhan ng PNP, 9 ang Sundalo habang may 20 iba pa.
Aabot naman sa 1,730 ang mga nakumpiskang armas, 790 ang mga deadly weapon kabilang na ang may 88 mga pampasabog at 9,877 ang mga bala.
810 sa mga nahuli ay nagmula sa NCR, 239 sa Region 4-A o CALABARZON, 234 sa Central Visayas, 225 sa Central Luzon at 130 sa Region 6 o Western Visayas. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)