Ikinabahala ng mismong Chairman ng House Quad Comm ang inilarawan niyang “gross miscarriage of justice” sa war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.
Sa kanyang opening speech sa ika-14 na pagdinig ng Komite, ikinalungkot ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mga “fall guy” at hindi ang mga totoong mastermind sa smuggling ng iligal na droga sa bansa ang naparusahan kaugnay ng nasabing kampanya.
Ayon sa Quad Comm Chair, may mga inosente na makukulong ng hanggang 40 taon habang nananatiling nakakalaya ang mga totoong may kasalanan tulad na lamang ng negosyanteng si Mark Taguba, ang bodegerong si Fidel Anoche Dee at dating Bureau of Customs employee Jimmy Guban sa kabila ng kakulangan ng ebidensya.
Nagpahayag din ng pangamba si Cong. Barbers dahil sa pagkakatalaga ng dating Prosecutor na si Aristotle Reyes bilang RTC Judge kahit na fall guys lamang aniya ang mga naparusahan sa kasong hinawakan nito.
Binigyan-diin ni Cong. Barbers ang pangangailangan na amyendahan ang mga batas upang maiwasan ang kawalang hustisya sa hinaharap.
Dagdag pa ng Quad Comm Chair na maiiwasan ang injustice sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatibay pa ng mga batas.