Tumuntong na sa kabuuang 349 ang bilang ng mga naaaresto ng mga awtoridad sa lungsod ng Navotas dahil sa paglabag sa unang araw ng citywide lockdown, kahapon, July 16.
Ayon sa mga awtoridad, ilan sa mga nilabag ng mga nahuli nilang indibidwal, ay mga pawang mga walang suot na face mask, hindi pagsunod sa ipinatutupad na social o physical distancing, at 24-oras na curfew ng mga menor de edad, maging ang iba pang mga pinaiiral na alituntunin kasunod ng pinatutupad na lockdown.
Kasunod nito, nanawagan si Navotas City Mayor Toby Tiangco na sumunod ang mga residente nito sa mga ipinatutupad na alituntunin hinggil sa lockdown kontra sa patuloy na banta ng COVID-19.