Tumaas ang bilang nga mga nahuling most wanted sa bansa sa unang bahagi ng 2015.
Ito ang ipinagmalaki ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG kung saan malaki anila ang naitulong ng bagong teknolohiyang kanilang ginagamit sa mga operasyon.
Ayon kay CIDG Spokesperson Chief Inspector Elizabeth Jasmin, tumaas ng mahigit 400 o kabuuang 2,415 ang nahuling most wanted mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa 2,016 na nahuli noong nakaraang taon sa kaparehong period.
Sinabi ni Jasmin na karamihan sa mga naaresto ay mga ordinary wanted person dahil sa mas mahirap aniyang dakpin ang mga high value targets dahil sa mas matinding pagpaplano at mahabang oras ang kailangan upang madakip ang mga ito.
By Ralph Obina | Jonathan Andal