Umabot na sa 37 milyong balota ang naimprenta na ng Commission on Elections (COMELEC) sa National Printing Office (NPO).
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, 23,000 sa mga ito na ang naberipika.
Tiwala pa din ang COMELEC na matatapos nilang maimprenta ang 56 na milyong balota bago ang deadline sa Abril 25.
Demo
Nagsagawa ng demonstrasyon ang mga kawani ng COMELEC sa paggamit ng vote counting machines (VCM’s) kaninang umaga.
Bilang bahagi ng kanilang voter education campaign, kanilang ginawa ang demo, sa Plaza Miranda, sa Maynila.
Kasama sa kanilang ipinakita, ay ang paggamit ng makina, at ang pag-iimprenta nito ng resibo ng balota.
By Katrina Valle | Allan Francisco