Aabot na sa halos 45 milyong balota ang nailimbag na ng Commission on Elections o COMELEC sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, mula sa kabuuan ng mga naimprentang balota, 30 milyon sa mga ito ang nakapasa sa verification sa mga vote counting machines (VCMs).
Kabilang dito ang mga balotang gagamitin sa manual polls o iyong mga kakailanganin sa local at overseas absentee voting.
Una nang tiniyak ng COMELEC na kanilang makakamit ang target deadline sa pag-iimprenta ng balota sa Abril 25 para sa kabuuang 57 milyong balota sa kabila ng ilang beses na pagkakaantala dahil sa aberya.
By Jaymark Dagala