Pumapalo na sa 13. 1 million ang naimprentang balota sa NPC o National Printing Office.
Gayunman, 5.1 million pa lamang dito ang dumaan na sa vote counting machines para sa kaukulang verification.
Muling pinawi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista ang pangamba ng publiko hinggil sa mga balotang inulit ang pag-imprenta dahil sa maling pagkakaputol ng papel.
Wala na aniyang halaga ang mahigit 70,000 rejected ballots dahil mahigit 1 milyon naman ang nalilimbag nila kada araw.
Tiniyak ni Bautista na hindi mailalabas sa NPO ang mga nasabing balota dahil sisirain ito para hindi magamit sa posibleng planong pandaraya.
By Judith Larino