Welcome sa Kamara ang sinumang nais tumestigo at magdagdag ng ebidensya kaugnay sa inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa ginanap na media presscon, inihayag ni 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez, isa sa mga miyembro ng House Prosecution Team, na mas mapapalakas ang mga ebidensyang inilatag kung may mga tetestigo sa impeachment trial.
Ikinukunsidera ng mambabatas bilang “Sui Generis” Ang mga reklamo laban kay VP Sara at hindi “impeachment criminal” o “punitive” dahil wala aniyang ipinatupad na multa at parusa rito.
Binigyang diin ni Cong. Guttierez na removal from office at perpetual disqualification ang “Penalties” ng impeachment na nakasaad sa saligang batas.
Kumpiyansa ang Kongresista, na sapat ang mga ebidensya na maglalabas ng katotohanan at magkukumbinsi sa Senator judges. – Mula sa panualt ni John Riz Calata mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)