Pumapalo na sa kabuuang 130 ang naisasalang sa execution sa Saudi Arabia sa taong ito.
Pinakahuling isinalang sa execution ang Saudi national na si Mashari al Shammari na pumatay sa katribo nito.
Ang kasalukuyang bilang ng executions sa Saudi Arabia sa unang 9 na buwan pa lamang ng taon ay mas mataas ng 43 pagkakataon sa naitalang kabuuang executions noong isang taon.
Unang umapela ang amnesty international para sa moratorium sa pagpapatupad ng execution sa Saudi Arabia.
By Judith Larino