Umabot na sa 19 na kaso ang naisampa ng piskalya sa mga Korte sa iba’t ibang bahagi ng bansa laban sa pulisya at iba pang law enforcement group na may kaugnayan sa kanilang operasyon laban sa iligal na droga.
Sa inilabas na imbentaryo ng Department of Justice simula nang paigtingin ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga noong July 1, 2016, 71 na ang kabuuang reklamo na inihain kung saan 45 ay mga kaso kaugnay sa lehitimong operasyon kontra droga.
Dalawampu’t anim naman ay mga kaso ng mga napatay sa labas ng lehitimong operasyon.
Sa 71 kaso ng homicide o murder, 19 ang ini-akyat na sa korte, 17ang nakabinbin pa sa piskalya, habang 35 ang binasura.
Wala namang naitalang kaso ng collateral death kung saan ang biktima ay nadamay lamang sa gitna ng operasyon.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE