Umabot na sa kabuuang 543,282 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 1,734 na mga bagong kaso ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 31,478 ang bilang ng mga aktibong kaso nito o nasa 5.8%.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 68 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 11,469 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
500,335 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 423 na mga bagong gumaling dito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,734 ngayong Huwebes, Pebrero 11.
Pumalo na sa kabuuang 543,282 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 31,478 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/UcFz13w6pe
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 11, 2021