Patuloy na kinukumpirma ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ang naitalang 123 nasawi at 160 iba pang nawawala bunsod ng pagtama ng bagyong Vinta sa Mindanao.
Sa panayam ng DWIZ kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, kanilang inaasahan na tataas pa ang nasabing bilang ng casualties sa mga lalawigan ng Lanao del Norte, Lanao del Sur at Zamboanga Peninsula.
Ayon kay Marasigan, karamihan sa mga naging biktima ay dulot ng mga flashfloods at landslides.