Pumalo na ng halos 700 ang mga insidente ng sunog sa buong bansa ngayong buwan ng disymembre
Ayon kay Bureau of Fire Protection Spokesman Supt Renato Marcial, umabot sa 699 na sunog ang naitala mula noong Disyembre 1-30.
Higit itong mas mababa kumapara sa higit 900 mga sunog na naitala sa parehong panahon nuong nakaraan taon
Ngunit binigyang diin ni marcial na sa ngayon ay wala pa silang naitatalang fire cracker related incident.
“Dapat gumamit ng mga alternatibong paingay tulad ng tororot, o di kaya’y mga kaldero na sira na, at ibang mga paingay.”
Firecracker ban
Samantala, patuloy din na isinusulong ng BFP na magkaroon ng total ban sa paputok.
Ayon kay Marcial, dapat na ikonsidera ng bawat pamilya ang pag iwas sa paputok upang makaiwas sa anomang pinsala na dulot nito.
“Ito ay hindi rin maganda sa environment, kung malanghap ng mga asthma ang usok ay posibleng ikamatay po ito,” paliwanag ni Marcial.
By: Rianne Briones I Ratsada Balita