Tumaas ng 17% ang naitalang sunog sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay ito sa datos ng Bureau of Fire Protections, bago ang fire prevention month sa susunod na buwan.
Ayon kay BFP Central Office Community Relations Head Captain Gabriel Solano, mula Enero – Pebrero 20, umabot sa 2290 ang insidente ng sunog sa bansa.
Mas mataas ito, kumpara sa 1957 kasong naitala kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, bumaba naman sa 158 ang sunog sa Metro Manila, kumpara sa 429 na insidente kaparehong panahon noong 2023. – sa panunulat ni Charles Laureta