Kaunti na lamang ang bilang ng mga lugar sa bansa na nakasailalim ngayon sa granular lockdown.
Naniniwala si Interior Secretary Eduardo Año na epektibo ang ipinatutupad na alert level system ng pamahalaan kaya bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 at nabawasan ang bilang ng mga lugar na isinasailalim sa lockdown.
Ayon kay Año, 42 lugar na lamang ang nakasailalim sa lockdown kung saan apektado ang nasa 51 households o 107 mga indibidwal.
Sinabi pa ng opisyal na wala nang lugar na naka-granular lockdown sa NCR.