Hiniling ng pamahalaan ng Hong Kong sa Pilipinas na payagan nang makabalik ang doon ang mga nakabakasyong OFW’s dito sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Consul General Raly Tejada, mismong si Labor Minister Law Chi-Kwong ang nagpaabot sa kanya ng naturang kahilingan.
Tiniyak aniya ni Law na ginagawa nila ang lahat upang mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus sa Hong Kong.
Batay sa datos, nasa 300 OFW’s ang dapat sanay pabalik na ng Hong Kong subalit inabutan ng travel ban sa China, Hong Kong at Macau.