Tiniyak Senator-elect Raffy Tulfo na kanilang tatapusin ang mga nakabinbing batas ng 18th Congress dahil marami pa umanong magagandang panukala ang dapat maipatupad at umusad sa Kongreso.
Sinabi ni Tulfo na karamihan sa mga panukala ay kinakailangan na lamang dumaan sa Bicam dahil nakalusot na ang mga ito sa ikatlong pagbasa.
Dagdag pa ng bagong senador na kaniyang isusulong na i-preserba ang mga ito o kaya nama’y gawing basehan ng 19th Congress.
Ayon pa kay Tulfo na nais niyang maging bahagi ng supermajority sa senado upang mas mapadali ang pagsasabatas ng mga isusulong niyang panukala.
Umaasa si Tulfo na ang itatalagang senate president ay magiging pantay sa bawat isa, walang pino-protektahang interes at mga negosyo sa bansa.