Tinukoy ng Pulse Asia kung ano ang mga posibleng nakaapekto sa pagpili ng mga respondent ng kandidato sa hanay ng presidential candidates sa isinagawa nilang pre-election survey.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Pulse Asia Research Director Ana Maria Tabunda na kabilang dito ang unang presidential debate na ginanap sa Cagayan de Oro; desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case ni Senador Grace Poe; political advertisements; at ang pag-iikot ng mga presidentiable sa iba’t ibang lugar.
Idinagdag pa ni Tabunda na maaaring nakatulong kay Poe ang SC ruling, pero hindi na ito ganoon kahalaga sa publiko.
Marahil ay mas higit na aniyang nakikilala ng mga botante ang ilang presidential candidate kaya’t hindi tumaas ang voter preference para kay Poe.
“Nagiging mas buhay po sa kanila yung mga kandidato dun sa debate lalo na yung sa huli, nagiging malinaw sa kanila yung pagkatao, so maaaring nakakaapekto yan, wala pa po yung impact ng pangalawang debate dito sa tinitignan natin, pero sa tingin namin yun yung makakapagpaliwanang kung bakit hindi natin makikita ang pagtaas ng voter preference kay Senator Grace Poe kasi nakikita na rin ang ibang kandidato ng mas malinaw.” Paliwanag ni Tabunda.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita