Ipinagdiwang ng mga nakaligtas na residente ng bagyong Odette sa Hinundayan, Southern Leyte ang noche buena sa mga evacuation center na may dalang mga relief goods.
Sinabi ng ilang evacuees na magdiriwang pa rin sila ng pasko sa kabila ng kanilang kabuhayan at mga tahanan na sinira ng bagyo.
Ipinabatid ni Hinundayan Mayor Elisa Dela Cruz-Cadingan na dalawang ektaryang lugar ang ilalaan para sa mga biktima ng bagyo upang muling maitayo ang kanilang mga tahanan.
Gayunpaman, umapela sila sa pamahalaan ng karagdagang donasyon kabilang ang pagkain, malinis na tubig, at gatas para sa mga bata. —sa panulat ni Kim Gomez