Kinansela na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga nakatakdang laro nito dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa ipinalabas na anunsyo mula sa PBA Board of Governors, napagdesisyunan nila na kanselahin muna ang ngayo’y on-going na PBA Philippine Cup, PBA D-League Aspirants Cup at PBA 3×3 Inaugurals.
JUST IN: PBA governors, kinansela ang PBA Philippine Cup, D-League Aspirants Cup games at 3×3 inaugurals sa gitna ng COVID-19 outbreak | via @pbaconnect pic.twitter.com/glGL714gWt
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 11, 2020
Iaanunsyo na lamang nila umano kung kailan muling itatakda ang mga nabanggit na laro.
Sa ngayon anila ay kanilang mahigpit na imomonitor ang mga advisory at mga anunsyo kaugnay sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) mula sa Department of Health (DHO) at World Health Organization (WHO) upang maging batayan sa mga susunod nilang hakbang.