Inihayag ng Department of Education (DepEd) na pumalo na sa higit 19 milyon ang nakapagpa-enroll, mula Kindergarten hanggang Grade 12 para sa school year 2020 hanggang 2021.
Kabuuang 19,012,293 na ang bilang ng mga enrollees mula noon pang nakaraang buwan.
Sa nasabing bilang, 18,097,857 ang mga nag-enroll sa pampublikong paaralan at 913,591 naman ang nag-enroll sa mga pribadong paaralan.
Kabilang din sa mga nakapa-enroll na ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng alternative learning system (ALS) at mga non-graded learners with disabilities.
Sa datos ng mga enrollees, higit 9 na milyon ang nag-enroll sa Elementarya, sinundan ng 6 na milyong mag-aaral na nasa Junior High School, 2 milyon naman sa Senior High School, at nasa higit 1 milyon sa Kindergarten.
Paalala ng DepEd, extended o pinalawig nito ang enrollment hanggang sa 15 ng Hulyo.