Pinaalis ang lahat ng mga nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng Padre Faura Street partikular sa tapat ng Department of Justice Building.
Alinsunod ito sa kautusan ni Justice Undersecretary Raymund Mecate sa mga security personnel at ISOG o Internal Security Operations Group ng DOJ bilang bahagi ng safety measure.
Maging ang mga sibilyan na nagtutungo sa DOJ na may OB sa DOJ ay dumadaan sa mas masusing proseso bago payagang makapasok sa DOJ Compound.
Kapansin-pansin din ang mga biglaang pagtatalaga ng mga tauhan ng ISOG na nakaposisyon sa labas ng DOJ compound na armado ng matataas na kalibre ng armas na hindi naman pangkariwang ginagawa ng DOJ.
Nilinaw naman ng DOJ na ang naturang hakbang ay isang safety and security measure lamang at walang kinalaman sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo