Mahalagang magpakonsulta sa doktor ang sinuman sakaling makaranas ng mga sintomas na may kinalaman sa mga karamdamang nakukuha tuwing tag-ulan.
Halimbawa sa mga sakit na ito ay ang dengue o kaya’y ubo at sipon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, upang makasiguro, mahalagang magpatingin sa mga eksperto lalo’t may mga sintomas ang COVID-19 na kapareho ng mga naturang sakit.
Kung magpapakonsulta, ipinapayo na dapat ding alalahanin kung may mga nakasalamuha na hinihinala o kumpirmadong kaso ng COVID-19.