Masusing dumaan sa body inspection ang mga nakasuot ng Hijab sa Davao City.
Ayon kay Col. Consolito Yecla, Commander ng Task Force Davao, walang pinalulusot na mga sasakyan sa kanilang checkpoint sa Barangay Sirawan sa Toril district.
Ani ni Yecla, kailangang isa-isang dumaan ang mga pasahero sa walk through scanner habang ang kanilang mga bagahe ay idinadaan sa X-ray scanner.
Maging ang mga babaeng muslim umano ay nakasuot ng Hijab at Abaya Anjou ay iniinspeksyon ng maigi sa isang cubicle.
Layon umano ng naturang hakbang na mapigilan ang mga may masamang balak.
Iniiwasan na mangyari ang tulad sa pambobomba sa Indanan, Sulu nuong Setyembre 8 kung saan sinalakay ang kampo ng 35th Infantry Battalion ng suspek na nakasuot umano ng Hijab.