Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na tuloy pa rin ang lahat ng mga nakatakdang aktibidad sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pinoy.
Sa kabila ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagpapaalis sa mga US special forces sa bahagi ng Mindanao.
Ayon kay AFP public affairs office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, wala naman silang nakikitang masama sa gagawing pagpapa pull out sa tropa ng Amerika dahil hindi naman, aniya, ito makaaapekto sa operasyon ng militar.
Sa katunayan, hindi naman, aniya, kinakansela ng Estados Unidos ang taunang Balikatan Exercises at iba pang military trainings na ibinibigay ng mga Amerikanong kawal sa mga sundalong Pilipino.
By: Avee Devierte