Hindi papayagang magbakasyon ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang paliparan sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay BI Port Operations Division Attorney Carlos Capulong, ito ay para matiyak na ma-aaccommodate ng maayos ang mga biyahero.
Aniya, lahat ng aplikasyon para sa vacation leave at application to travel abroad ng sinumang empleyado ng BI na naka-assign sa mga paliparan mula Abril 7 hanggang Abril 15 ay hindi naaprubahan.
Samantala, pinagtibay ni BI Commissioner Jaime Morente ang desisyon bilang paghahanda sa pagdagsa ng malaking bilang ng international travellers na kadalasang nangyayari sa lenten season. – sa panulat ni Airiam Sancho