Umaabot na sa 21.18 bilyong indibidwal ang nabigyan ng financial assistance o ayuda sa National Capital Region (NCR) plus.
Ito ay ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, sa kabuuang na 22.9 na bilyon na ipinamahagi naibigay na ang P21.18-B kung saan nasa 92.45%.
Dagdag ni Ano, sa 100 local government units (LGU), nasa 44 na ang nakapagbigay ng cash aid kabilang ang mga munisipalidad ng Manila, Caloocan, Pasay, Cabuyao, Binan, San Pedro, at Sta Rosa.
Sa Metro Manila, nasa 91 sa kabuuang mahigit 11 milyon na kwalipikadong indibidwal ang nakatanggap ng ayuda.
Habang 2.967 milyon sa Bulakan, 3.444 milyon sa Cavite, 2.718 milyon sa Laguna at 2.6 milyon sa Rizal.
Magugunitang, isinailalim sa enhanced community quarantine ang mga lugar na nasa ilalim ng NCR plus dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Magugunitang, naglaan ang pamahalaan ng P22.9-B halaga para sa cash assistance program sa mga naapektuhan ng naturang quarantine restrictions sa bansa. — sa panulat ni Rashid Locsin.