Umabot na sa 2.2M indibidwal na ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Cagayan Valley o Region 2.
Ayon kay Dr. Grace Santiago, Regional Director ng DOH Region 2, pumangatlo ang nasabing rehiyon sa may pinakamaraming indibidwal na nabakunahan laban sa nakamamatay na virus.
Ang nasabing bilang ang katumbas ng 84% o 2.6M adult population ng rehiyon na dapat mabakunahan upang makamit ang 70% herd immunity.
Ani Santiago, dalawang bata lamang ang nakaranas ng adverse event gaya ng lagnat, pagkahilo at pananakit ng katawan na maituturing itong normal.
Gayunman, patuloy ang downtrend ng COVID-cases sa rehiyon dahil mataas ang vaccination rate ngunit