Umakyat na sa 4,600 na inidbidwal ang nakatanggap ng booster shot sa ilalim ng resbakuna sa botika progam.
Ayon kay National Vaccination Operation Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje, tuloy-tuloy ang programa sa kabila ng hamong kinahaharap nito.
Patuloy ang pag-iikot ng kagawaran sa Cebu, Bacolod, at Iloilo para sa pagpapalawig ng programa.
Magsisilbi itong tulong sa mga health worker ng LGUs upang mapataas ang bilang ng mga pilipinong nakatanggap ng booster shot.
Sinimulan ang programa sa pitong pharmacy sa Metro Manila at isa Baguio City. —sa panulat ni Abby Malanday