Aabot sa mahigit 128,000 o 58% ng miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nakatanggap na ng booster shot laban sa COVID-19.
Batay sa datos ng Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF), nasa 98.14 percent o 220,501 ng PNP personnel ang fully vaccinated na habang nasa 1.56% o 3,513 ang naghihintay pa ng ikalawang dose.
Samantala, nananatili naman sa 12 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pambansang pulisya, subalit wala namang naitalang bagong kaso ng sakit.
Sa ngayon ay nasa 48,824 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa pnp habang nasa 48,684 ang total recoveries.
Nananatili naman sa 128 ang nasawi dahil sa virus sa PNP.